Friday, September 11, 2015






Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at kayang bilhin sa iba't ibang presyo sa isang takda   ng panahon.


Mga Salik na nakakaapekto sa pagbabago ng Demand



  • Panlasa. Ang pagbabago ng panlasa ng mga mamimili ay may epekto sa kanilang demand. Ang mga bagong produkto ay nakaaapekto sa panlasa ng mga mamimili. Halimbawa, ang paglabas ng CD o compact disc ay lubhang nagpababa sa demand para sa mga cassette tape.

    • Kita. Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng demand para sa karamihan ng mga produkto. Ang pagbaba naman ng kita ay ang pagbaba rin ng demand para sa karamihan sa mga produkto. 
    • Presyo sa Kahalili o Kaugnay na Produkto. May epekto sa demand ang presyo ng mga kahalili (substitute) o kaugnay (compliment) na produkto. Ang kahaliling produkto ay yaong maaaring gamitin kapalit ng isang produkto. Halimbawa, ang karne ng manok ay maaaring ihalili sa karne ng baboy. Kapag tumaas ang presyo ng karne ng baboy, tataas ang demand para sa karne ng manok dahil tuwiran itong kahalili para sa karne ng baboy.
    • Bilang ng mamimili.Ang malaking populasyon ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan para sa mga kalakal at serbisyo. Mas marami ang mamimili kung mas malaki ang populasyon.
    • Inaasahan ng mga mamimili. Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng produkto sa hinaharap, daragdagan nila ang bibilhing produkto sa kasalukuyan.





    DEMAND NG BIGAS




    Presyo ng bigas, tumaas ng hanggang P5 kada kilo

    Paliwanag ng mga nagtitinda,nasa P1700 hanggang P1950 na ngayon ang presyo ng kada sako ng bigas na nagtaas ng P200 kada sako mula pa noong Hulyo.
    Ang pinakamurang klase ng commercial rice ngayon ay nasa P36 kada kilo.











    Isa sa mga konsepto ng demand ay ang demand curve,ito ay isang grapikong paglalarawan sa demand.


    Mula sa demand curve na nasa itaas, makikita ang pagbabago ng demand bunga ng pagbabago sa presyo.Kung ang unang presyo ay P35(P1),ang dami ng bibilhing bigas(Q) ay nasa 60 kada kilo,ngunit sa pangalawang presyo(P) na P40,ang dami ng bibilhing bigas(Q1) ay mga nasa 55-56 kada kilo.Dahil ang bigas ay isa sa mga produktong pinakapangangailangan ng mga mamimili,hindi gaano kalaki ang nababawas sa dami ng binibiling bigas(Qd) kahit pa tumaas ang presyo(P).Ito ay isang uri ng demand na di-elastik.Ang di-elastik na demand ay nangangahulugan      na ang pagtugon ng mamimili sa porsyento ng pagbabago ng presyo ay higit na mababa,ibig sabihin,sa bawat 1% na pagtaas ng presyo,ang mamimili ay magbabawas ng mas mababa sa 1%.Dahil ang bigas ay mahalaga sa mga mamimili,wala silang kakayahang bawasan nang mas marami ang demand ng bigas kumpara sa pagtaas ng presyo.



    Samakatuwid,kahit na tumaas ang presyo ng bigas hindi gaanong mababawasa ang dami ng mamimili nito. Sa batas ng demand,ang pagtaas ng presyo ay pagbaba ng demand at ganoon nga ang mailalarawan dito.Sa pagtaas sa presyo ng bigas ay mababawasan lamang nang kakaunti ang demand.